Saturday, July 31, 2010

UHA!!! .U.H.A. iyak ng bata oh! ha!


Bukas ay ika dalawampu't limang taon ko ng kaarawan (August 1):-)Pero sa kasalukuyan dumadanas kami ng maliit na problemang pampamilya:-(Sa kasalukuyan pinag iisipan ko kung ipag didiwang ko ba ang aking kaarawan o hindi :-?
Dapat pa rin ba akong magsaya o hindi :-??
Sa aking pag muni-muni, biglang sumagi sa akin ang panaginip ng aking ama isang araw bago den ang kanyang kaarawan.

Isang araw bago ang kaarawan ng aking ama, sya ay nanaginip:

Nakita nyang isinilang ang isang sanggol. pag labas ng sanggol ito ay agad pinalo sa pwet ng Hilot (a.k.a.midwife) at agad ang bata ay umiyak. uha!!! uha!! uha!!

Ang aking ama ay nag taka at sya ay nagtanong. Bakit kelangang tapikin ang pwet ng bata? At bakit lahat ng bata sa mundo e UHA ang unang nasasambit. Iba iba naman tayo ng lengguahing ginagamit? Mapa Amerikano man, Frances, Espanyol o Filipino? Bakit UHA??????
bakit hindi cry cry sa salitang ingles o iyak iyak sa salitang filipino bakit "UHA"????

At may ISANG boses na sumagot.

Ang pag tapik o palo sa pwet sa isang sanggol ay nag sisimbolo sa pag "welcome" sa kanya dito sa mundo. at ang salitang UHA ay nag sisimbolo sa salitang Unlimited Happiness or Agonies. Sa pagkasilang pa lang natin sa mundong ibabaw pinapapili na tayo kung anong landas ang pipiliian.

UNLIMITED HAPPINESS...
OR
UNLIMITED AGONIES...

pagkatapos ng mga salitang yun nagising ang tatay ko.

at ngayon sumagi sa isip ko. yung panaginip ng ama ko ay parating mag sisilbing paalala sa akin at sa aming mag kapatid at sa ating lahat sa panahong bigla nalang ako nawawalan ng gana sa buhay dahil sa mga hindi ina asahang problema.
Nasa aking mga kamay na kung ano ang pipiliin ko sa buhay..

UNLIMITED HAPPINESS
O
UNLIMITED AGONIES

U.H.A. UHA UUUUHHHHAAAA

KAYO ANO ANG GUSTO NYONG PILIIN??? :-)




Protected by Copyscape Online Plagiarism Detection

No comments:

Post a Comment