Saturday, September 19, 2015

pera o pride??

***medyo matagal na tong kwento, :-)


May kwento sa amin ang Papa ko about sa isang kamag-anak namin. yung kamag-anak daw namin ay mayroong hindi naman kalakihan na lote sa isang probinsya. ang katabi ng lupang yun e isang hotel. Dahil sa hindi naman gaanong maganda sa "view" ng isang malaking hotel ang magkaroon ng katabing maliit na lote na may nakatayong maliit na barong-barong at karenderya, napag pasyahan ng may-ari ng hotel na bilhin nalang ang lote. Kinausap yung kamag-anak namin hinggil sa planong pag bili nila sa lupa. at sila naman ay nagkasundo... napag usapan ang presyo ng lupa at kung kelan magaganap ang bayaran/bilihan. Dahil sa likas na simpleng tao lang naman yung kamag-anak namin, pumunta sya sa hotel ng naka short at tsinilas lang.. pag dating nya sa opisina, nadatnan nya dun ang anak ng may-ari. (hindi kilala ng anak yung kamag-anak namin)

uncle/kamag-anak: magandang araw po, nasan po si Mr----?
anak ng may-ari: wala pa sya d2. pakihintay nalang sya sa baba.

sumama daw ang loob ng uncle namin. hindi nya akalain na ganun ang pakikitungo sa kanya. porket naka shorts  at tsinilas lang.  bumaba sya sa hotel, at sinabing/sinumpa na HINDING- HINDI na  nya ibebenta ang lupa nya... sa kanila nalang daw ang pera nila....

.... dumating na ang may-ari ng hotel. tinanong ang sekretarya kung dumating na si uncle... at sinabi na dumating na yun kanina, pero umuwi na.

..... nung malaman ng may-ari ang ginawa ng anak nya sa uncle namin,  pinagalitan nya ito.

dahil sa insidenteng yun biglang lumaki ang offer na pera, para lang ibenta ang kapirasong lupa ng uncle ko. naging 20 million pero HINDI pumayag si uncle. naging 40 million, pero TUMANGGI pa ren ang uncle ko. hanggang sa umabot DAW ang offer ng 100 million peso peso pesoses... at ang sagot ng uncle ko sa offer, isang tumataginting na
HINDI.

nang dahil sa nasaktang PRIDE, tinanggihan ang milyones....
aanhin na man daw nya ang pera. matanda na sya at hindi na daw pwedeng kumain ng karne. kelangan puro gulay nalang para makaiwas sa sakit. 

so yun hanggang ngayon hindi ipinagbili ang lupang yun, kahit matagal ng namatay yung uncle namin. 


if kayo ang nasa ganung sitwasyon, ano pipiliin nyo??

PERA
o
PRIDE?

:-)