Thursday, January 26, 2012

confused

Hayzzz confused lang. Hindi na ako nag e enjoy sa trabaho ko. Tinatamad na ako pumasok. At feeling ko ang haba haba haba ng oras. Feeling ko paulit ulit lang naman ang trabaho ko, hindi ako nag go grow. Gusto ko na mag RESIGN. Kaso sa hirap ng buhay ngayon at hindi naman kami mayaman, may karapatan ba ako mag inarte s trabaho ko? Kung mag re resign ako, ano gagawin ko? Saan ako pupunta? Handa ba ulit ako mapabilang sa mga unemployed? If mag a apply ako s ibang company, handa ba ulit ako makipag compete s iba pang applicant? If mag ne negosyo ako, ako nga ang boss pero di ko naman alam kung kelan ko mababawi ang puhunan ko, or worst baka di mabawi pa at malugi. Hayy puro NEGATIVE ang nasa utak ko ngayon


Pag nag aaral ka pa, gusto mo na maka graduate. pag naka graduate gusto mo naman makapag trabaho, pag nakapag trabaho, gusto mo ng mas malaki ang sweldo/mas mataas na posisyon. pag nakuha mo na saan ka pupunta? sa pag re resign? lolz
unemployed----nag apply (may work na--- pag nagsawa-- mag re resign jobless ulit.. toinkzz

Hay God I need guidance.