Monday, September 3, 2012

tsunami alert, life alert :)

hindi talaga natin alam kung ano ang posibleng mangyayari sa atin sa hinaharap. kaya kung pwede gawin na ang mga bagay na gusto habang may panahon pa. kasi baka bukas o makalawa wala na tayong panahon. 

gaya nung friday, lumabas kami ng mga kaibigan ko at dumayo pa sa kabilang baryo para mag videoke. bonding at advance birthday celebration na ren ng kaibigan namin na si Banz.  pagdating dun order agad ng maiinom at chichirya. papalit ng barya tig 5 pesos :). pili ng kakantahin at kantahan-galore na. hindi pa  kami nag iinit sa kantahan ng biglang may naramdaman ako. para akong nahihilo. gumagalaw ang upuan ko. binalewala ko muna. nang napansin namin na lahat kami pare-pareho ng nararamdamam.. dios mio lumilindol na pala. akala namin mahinang lindol lang. kaso ang tagal huminto at palakas ng palakas. nag sha shake na talaga. tago agad sa ilalim ng mesa. yung 2 hinawakan ang tv at baka mahulog. after ng lindol nagkatinginan kami, den nagkatawanan sa mga naging reaksyon namin. after nun balik kantahan na naman. maya-maya lang may nag balita sa amin na nagkakagulo na daw s baryo. bumaba daw ang dagat. kala namin tinatakot lang kami. nang dumating ang kasamahan namin at ibinalitang nagkakagulo na ren sa baryo namin. hinahakot na ng patrol ang mga kababaryo namin kasi may tsunami alert. shockss tsunami alert!! seryoso na talaga to,. hayun sakay agad kami sa motorsiklo at agad agad umuwi.. punta sa kwarto isinilid ang mga gamit sa bag. punta sa kusina, kumuha ng mga de lata, takbo agad papunta sa sasakyan, at lumikas kami sa mataas na lugar. while nasa sasakyan talagang nanginginig ako sa takot. what if magka tsunami talaga. what if maabutan kami sa sasakyan. what if katapusan ko na.. waaaa ang daming what if.

naisip ko nagkakantahan lang kami kanina, nag ke kwentuhan, nag iinuman. tapos magkaka tsunami?? end of my world na agad? 

grabe noh?! ang iksi lang pala ng buhay. di ko man lang naisip yun. sobrang kampanti ko. naisip ko di man lang ako nakakapag i love you sa mga taong mahal ko. di ko pa natutupad ang pangako ko na babalik ako sa pag aaral. di pa ako nakakapag asawa, wala pa ako anak. wala ako gaanong achievement, tapos ma tsu tsugi na agad ako?!   ang dami ko pa palang gustong gawin, na parati ko lang pino postpone.

nung mawala na ang alert at pwede na kami bumalik sa mga bahay namin. saka na ako medyo naging ok... saka na ako nahimasmasan. kahit may konting nerbyos pa, pilit ko pa ren nilalabanan. naisip ko baka sa sobrang nerbyos ko e baka mabaliw naman ako. susme doble problema pa.

hindi lang warning ng tsunami ang nangyari sa akin. hindi lang TSUNAMI ALERT. LIFE ALERT na ren. parang warning den sa akin. gawin ko na ang mga bagay na mas importante at mas may kabuluhan. gawin na ang mga bagay na nagpapaligaya sa akin. live life to the fullest ika nga. at  saka yung kasabihan na live life as if  there's no tomorrow na?! ewan basta ganun, nakalimutan ko ang eksaktong linya ng kasabihan. :)

http://www.interaksyon.com/article/42013/tsunami-warning-as-magnitude-7-9-quake-strikes-off-samar

Thursday, January 26, 2012

confused

Hayzzz confused lang. Hindi na ako nag e enjoy sa trabaho ko. Tinatamad na ako pumasok. At feeling ko ang haba haba haba ng oras. Feeling ko paulit ulit lang naman ang trabaho ko, hindi ako nag go grow. Gusto ko na mag RESIGN. Kaso sa hirap ng buhay ngayon at hindi naman kami mayaman, may karapatan ba ako mag inarte s trabaho ko? Kung mag re resign ako, ano gagawin ko? Saan ako pupunta? Handa ba ulit ako mapabilang sa mga unemployed? If mag a apply ako s ibang company, handa ba ulit ako makipag compete s iba pang applicant? If mag ne negosyo ako, ako nga ang boss pero di ko naman alam kung kelan ko mababawi ang puhunan ko, or worst baka di mabawi pa at malugi. Hayy puro NEGATIVE ang nasa utak ko ngayon


Pag nag aaral ka pa, gusto mo na maka graduate. pag naka graduate gusto mo naman makapag trabaho, pag nakapag trabaho, gusto mo ng mas malaki ang sweldo/mas mataas na posisyon. pag nakuha mo na saan ka pupunta? sa pag re resign? lolz
unemployed----nag apply (may work na--- pag nagsawa-- mag re resign jobless ulit.. toinkzz

Hay God I need guidance.